Protectors Sinapak ang Phoenix
by: Andrea Eunice Gica
Protectors sinapak ang Phoenix sa iskor na 21-8 at 21-18 sa larong Sepak Takraw (boys category) sa isinagawang Division Schools Press Conference 2024 na ginanap sa Candaping National High School (Senior High building) nitong Martes, January 9, 2024.
Ang mga manlalaro sa team Protectors ay sina Gian Kyle Hilaga, Jan Cris Israel at Christian Mike Calunod at sa team Phoenix naman ay sina Neljie S. Peñas, John Jacob Sonugan, Jhendel Khen Malongo, Celso Judilla at Emilio Waluhan.
Lahat ng mga manlalaro ay nagpapakita ng determinasyon ngunit unang set pa lamang ay umarangkada na agad ang team Protectors. Pinangunahan ni Hilaga ng Protectors na makuha ang unang puntos. Sa pagpapatuloy ng laro, hindi nagawang makahabol ng Phoenix at hanggang sa natapos ang laro na may agwat na 13 puntos (21-8).
Sa pangalawang set naman ay bumida na naman ulit ang team Protectors. Muli ay pinangunahan ni Hilaga ng Protectors na makuha ang kauna-unahang puntos. Kalaunan din ay naghahabulan ang kanilang mga puntos. Ngunit biglang naiwan ang Phoenix matapos tambakan ng sunod-sunod na strike ng Protectors. Sa huli, natapos ang laro sa iskor na 21-18.
Pagkatapos, umuwing may mga ngiti sa labi ang team Protectors matapos talunin ang team Phoenix (2-1) sa larong Sepak Takraw (boys category).
Ayon sa isang miyembro ng winning team na Protectors na si Jan Cris Israel, “Salamat sa Ginoo aning higayuna kay bisag dili takraw player, I can still somehow show my hidden talent” (Salamat sa diyos sa pagkakataon na ito dahil kahit hindi isang takraw player, naipapakita ko parin ang natatago kong talento).
Ayon rin naman kay Gian Kyle Hilaga na miyembro rin ng winning team ay “teamwork” lang ang kailangan upang makamit ang tagumpay.
Post a Comment