Hustisya: Mga Sayaw na Hindi Magkamayaw
by: Ritchelle Lyn Balingit
Sa mundong ating ginagalawan, nakaupo sa trono ang may kapangyarihan. Samut-saring kaguluhan nakabato kaliwat kanan. Sariling intensiyon, ugat ng kaguluhan.
Gamit ang salapi, hustiya’y kaya nilang paglaruan at ang pinakamasaklap, kayang- kaya nilang hugasan. Mga hinaing ng ordinaryo, sa tainga nila’y nakasarado. Na tila’y di makaboses sa kanilang karapatan. Maduming upuan, kailangan kang tuldukan! "Pagkamit ng hustisya magkano nga ba ang halaga?"
Sa kabilang banda, ayon kay Raquel sa Radyo Pilipinas News, mayroong mga panukalang batas ang idudulog ng Department of Justice (DOJ) kay pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang problema ng bansa sa pagsisiksikan ng persons deprived of liberty (PDL) sa mga detention facility. Bagkus, giit ni Rodge Cultura sa Internet Politics, dalawang pinuno ng komunidad na Pilipino sa Toronto, Ontario,ang pumuna sa sistema ng hustisya sa Pilipinas dahil sa kawalan ng transparency at pagiging patas, at para sa pagtataguyod ng mas bukas na diskarte sa krimen. Ayon kay Jainah Thalia, "Bagamat sa labanang ito, ang mahihirap ay talo".
Alam natin na ang mga usaping ito ay hindi na bago. Na pagnarinig mo ang salitang "hustisya" nasa ibaba ay dihado. Bilang isang mapanagutang mamamahayag, nais kong pukawin ang mga matitigas niyong damdamin na tilay tulog at himbing na himbing. Mga mata niyong nakamulat ngunit pakiwari ko'y katotohanan di mahagilap.
Karahasan at kalituhan ang biglang sumulpo't nagliparan. Na kong iyong pakikinggan ani moy makatotohanan. Nabaong sekrito dahil sa kinamulatan at kinagisnang pamamaraan. Na tilay karapatan ng bayan kaya nilang husgahan. Magkabilang puwersa di magkaisa. Sa ganang akin, ang isyung ito ay umabot na sa puntong nakakapanghinayang. Nakakatindig balahibong katotohan na lalaganap kung ating pababayaan at hindia antabayanan. Bagkus, aksiyong tapat ang siyang dapat! "Karapatan para sa lahat, hindi para sa iilang tao".
Post a Comment