“CNHS Nagdaos ng Tree Planting”




CNHS Nagdaos ng Tree Planting”
by: Gian Kyle N. Hilaga

Sa pamumuno ni punong guro, Renaldo Santos, at mga kasamahan nyang guro,napagdesisyunan ng Candaping NHS na lumahok sa tree planting na isinigawa ng DepEd na may total 47,678 public schools noong Miyerkules, Disyembre 6, 2023 bilang pagsalubong sa paparating na Pasko .Kabilang sa mga nagsagawa sa nasabing activity ay ang mga SSG officers, BKD officers, at GPTA officers ng paaralang Candaping NHS. Isinagawa ang tree planting activity mismo sa loob ng school campus ng paaralan.

Ayon sa ulat, misyon ng DepEd na umabot ng 236,000 na mga punong kahoy bilang pamalit sa mga natumbang kahoy at bilang pasalubong sa paparating na henerasyon.Nagpapakita ito na unti unti nating pinababangon Ang ating nabubulok at mahal na tahanan o ang ating kalikasan. Ang tanong ano nga ba ang maitutulong nito para sa ating pagbangon?

Masasabi na Ang mga punong kahoy ang Isang natatanging bagay na nagbibigay ng ng sariwang hangin. Sa pamamagitan ng proseso ng photosynthesis, iniimbak ang carbon dioxide at nagbibigay ng oxygen. Sa puntong ito hindi lamang mga tao ang may benipisyo nito kundi ang mga hayop narin. Ito ay ginagawang tahanan at nagbibigay pagkain para sa mga hayop upang mabuhay ang kani-kanilang mga pamilya.

Hindi naman ito magpapahuli pagdating sa mga kalamidad dahil ang mga punong kahoy ay isa sa mga tangke at pumuprotekta sa atin. Pero paano kung sabihin na ang ating pinagkakatiwalaang bagay ay siya ring pumapatay at sumisira sa atin?

Hindi na natin maikakait na kahit gaano man katigas ang isang bagay ay bumabagsak parin ito. Noong pumasok ang bagyong Odette sa Pilipinas ay hindi namin inaasahan na ang punong kahoy na matagal naming inaalagan ay siya ring sumira sa aming bahay at muntik na kaming madamay. Ito ai isa sa mga negatibong epekto para sa atin dahil hindi biro ang bigat ng mga ito at posibleng kikitil ng mga buhay.

Kung pananaw ng mga tao ang tatangunin, mas mainam na ang tree planting ay pairalin, at kung ang opinyon ko naman ang tatangunin, sang-ayon naman ako ngunit sa pagtanim nating ito ay dapat ilagay sa tamang puwesto upang mas ligtas naman kahit paano. Kaya natin ito, babangon ako, tayo, lahat, at buong mundo.






Post a Comment

Previous Post Next Post