Candaping NHS, Child 'Friendliest' ng Region VII
by: Stephanie Daulong
Sa isang tagumpay na nagbibigay-pugay sa dedikasyon sa edukasyon, itinanghal si Gng. Roxanne Mae L. Pal-ing bilang natatanging Regional Winner ng Child Friendly School System Award para sa taong panuruan 2023-2024. Ang pagbibigay pugay na ito ay ginanap noong ika-14 ng Disyembre, 2023, sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang kaganapan ay nagsimula sa ala – una ng hapon at matagumpay na natapos sa ala – singko ng hapon. Ang Child Friendly School System Award ay naglalayong kilalanin at pahalagahan ang mga paaralang nagpapakita ng kahusayan sa pagpapahalaga at pakikilahok ng mga magulang at komunidad sa edukasyon.
Si Gng. Roxanne Mae L. Pal-ing, na nagsilbing implementer ng Child Friendly School System sa Candaping National High School, ay nagtagumpay sa kategoryang ito. Bukod sa kanyang pagganap bilang implementer, siya rin ay nagsilbing koordinator sa loob ng anim na taon.
Ang Child Friendly School System sa Candaping National High School ay nagbibigay-diin sa pagtutok sa pagkakaroon ng positibo at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral. Isa itong programa na nagtataguyod ng pakikipagtulungan ng mga guro, magulang, at komunidad upang masiguro ang kalidad ng edukasyon.
Sa pagkakatanghal kay Gng. Roxanne Mae L. Pal-ing, ipinakita ng Candaping National High School ang matibay na suporta at pag-angkop sa prinsipyong itinataguyod ng Child Friendly School System. Ang kanyang tagumpay ay naglalakip ng tagumpay ng buong paaralan sa pagpapatupad ng isang sistemang naglalayong mapabuti ang buhay at kinabukasan ng mga mag-aaral.
Post a Comment