PANTHERS PINABAGSAK NG TIGERS SA ISKOR NA 32-42


PANTHERS PINABAGSAK NG TIGERS SA ISKOR NA 32-42 

ni: John Mark A. Bagundol

Manlalaro sa Grade 11 (Panthers) tinambakan sa mga manlalaro ng Grade 12 (Tigers) sa iskor na 32-42 sa larong basketball na ginanap sa Candaping B, Barangay Hall noong  Oktobre 19-20, 2023.

 

Sinimulan ang first quarter ng 3-point shot mula kay Dandasan ng Grade 12. Sinundan naman ito ng tatlong dalawang puntos mula kay Maghanoy ng Grade 11. Naging madikit ang labanan ng dalawang kuponan. Biglang nabuhayan ang mga manlalaro sa Grade 12 dahil sa offensive play na ipinakita ni Gapol, na sinamahan pa ni Dandasan. Nakuha ng grade 12 ang unang quarter ng laro sa iskor na 11-22.

 

Sa second quarter ng laro ay naging mas agresibo ang mga manalaro ng Grade 11, sinubukan nilang humabol at lumamang sa iskor ng Grade 12. Dahil pa rin sa offensive play na ipinakita ng mga manlalaro ng Grade 12 na pinangunahan ulit ni Dandasan, hindi na muling nakahabol ang Grade 11. Tinapos ng mga manlalaro sa Grade 12  ang second quarter sa iskor na  32-42.

 

Hindi naging madali ang pinag-daanan ng mga manlalaro sa Grade 12. Mas malaki ang puntos na nakuha ng mga manlalaro sa Grade 11 sa second quarter ngunit hinding-hindi nagpatalo ang mga manlalaro ng Grade 12 para sa trono. Sa huli, hinirang ang Grade 12 bilang Intramurals 2023 Basketball Champion.





Post a Comment

Previous Post Next Post